di pasaway sa harap ni Juday
Inamin ni Judy Ann Santos na wala pa siyang naibibigay na payo kay Sarah Geronimo pagdating sa pag-ibig. Pero, alam ni Juday na wala pang nakakaakyat ng ligaw kay Sarah ngayon, at ang pagiging mahigpit daw ng mommy nitong si Mommy Divine ang dahilan.
Kuwento ni Juday, ilang araw pa lang silang nagsasama ni Sarah sa shooting ng Hating Kapatid. Hindi pa raw sila masyadong nakakapag-bonding.
Sabi ni Juday, nahihiya siyang payuhan o tuksuhin si Sarah pagdating sa love. Hindi pa raw sila ganu’n ka-close.
Ayaw raw niyang isipin ni Sarah na nakikialam siya sa buhay nito. Baka `yun daw ang maging impression nito sa kanya kung bigla siyang magbibigay ng payo rito sa pag-ibig.
Inamin ni Juday na hanggang ngayon ay nagpapakiramdaman pa sila ni Sarah. Pero, base raw sa naoobserbahan niyang kilos at galaw ni Sarah, alam niyang mabait itong tao.
Biniro namin si Juday na baka natatakot sa kanya si Sarah.
Reaksiyon ni Juday, wala raw dapat ikatakot sa kanya si Sarah. Sigurado si Juday na makaka-relate sa kanya si Sarah dahil halos pareho raw sila ng pinagdaanan sa buhay. Pareho rin daw silang workaholic.
Pero, puring-puri ni Juday ang pagiging magalang na tao ni Sarah. Kapag dumarating daw ito sa set nila ay palagi itong dumaraan sa tent niya para magbigay-galang sa kanya.
Tuwang-tuwa rin si Juday sa pagiging palangiti ni Sarah. At palagi raw nakadikit ang mga katagang ‘po’ at ‘opo’ kapag nagsasalita si Sarah.
Sabi nga ni Juday, hindi naman kailangan ni Sarah na dumaan sa kanya para bumati. Pero, talaga raw likas na kay Sarah ang magbigay-galang sa mga tao sa paligid niya.
“In fairness kay Sarah, may matinding effort siya na dumaan sa tent ko pag dumarating siya. Nagbibigay-pugay. Para sa akin, hindi na kailangan kasi nagkikita naman kami sa set.
“Kung iniisip niya na magagalit ako kung hindi siya magbibigay-pugay sa akin. Hindi! Hello, naman! Okey lang sa akin ‘yon. Sabi ko nga sa kanya, ipahinga na lang niya `yon, mas kailangan niya ‘yon.
“Hindi naman ako isang artista na naghahanap ng atensyon.
Gusto ko lang na maging kumportable siya sa akin at gusto kong malaman niya na hindi ito hanggang pelikula lang.
Puwede kaming maging magkaibigan kahit hanggang pagkatapos ng pelikula,” pahayag ni Juday.
Gustong sabihin ni Juday ng personal kay Sarah na puwede silang maging magkaibigan, at kung kailangan nito ng kausap, handa siyang bigyan ng atensyon ang huli.
“Hindi mahirap maging kaibigan si Sarah kasi napakabuti ng kanyang puso, napakabuting tao. Wala kang paglalagyan ng masamang salita. Kasi pag ginawa mo ‘yon, ikaw ang lalabas na masamang tao dahil alam ng lahat ng tao kung gaano siya kabuting tao,” sambit pa ni Juday.
Natawa si Juday nu’ng ikumpara siya kay Sarah nu’ng kabataan niya. Tinanong kasi si Juday kung pinipigilan din ba siya ni Mommy Carol nu’ng dalagita pa lang siya na magka-boyfriend agad.
Sabi ni Juday, hindi siya pinigilan noon ni Mommy Carol na magpaligaw.
“Pero may promise ako sa kanya (Mommy Carol) na walang masamang mangyayari sa akin. At I made a promise na hindi ako mabubuntis agad. ‘Yun lang! Pinabayaan na ako ni Mommy,” kuwento ni Juday.
Kung hihingi raw ng advice si Sarah sa kanya tungkol sa pagtanggap ng manliligaw at magka-boyfriend na, ang sasabihin lang daw niya rito ay ibigay sa kanyang mga magulang ang ‘full trust’.
“Sa nakikita ko naman kay Sarah, hindi siya pasaway. Kung saan siya maligaya and as long as wala siyang masasaktan na tao, bakit hindi? Pero lahat naman ‘yan madadaan sa paliwanag at pag-uusap nang maayos. Siyempre, hindi naman maganda na may boyfriend ka nga pero hindi naman maganda ang relationship ninyong dalawa ng magulang mo. Hindi ko naman ia-advice ‘yun sa kanya. Gusto ko kung magbu-boyfriend siya, maganda rin ‘yung relationship niya sa parents niya. Hindi naman tamang meron siyang karelasyon, pero ang kasamaan naman niya ng loob ‘yung mga taong nagbigay ng buhay sa kanya, hindi naman maganda ‘yon,” esplika pa ni Juday.
Ayaw rin ni Juday na magbigay ng payo kay Mommy Divine para sa pagha-handle nito sa anak, dahil wala raw siya sa posisyon para panghimasukan ang paraan ng pagpapalaki nito kay Sarah.
Sabi nga ni Juday, iba-iba ang paraan ng pagpapalaki ng bawat magulang sa kanilang mga anak. Naiintindihan daw niya ang paraan ni Mommy Divine kay Sarah dahil gusto lang nitong protektahan ang kanyang anak.
Pilipinas Top Site: Please, Click on the Banner!
Relevant Books: di pasaway sa harap ni Juday
Recently Added Entries
Most Viewed Posts
- Jamilla Obispo - 2,149 views
- Embassy Avenue living in Japan - 1,562 views
- Hayag Live Radyo Philippines - 1,474 views
- Teen Filipina video GAMERS - 1,418 views
- WordPress3.0でマルチサイト設定 - 908 views
- Sexy Bar Girls Dancing! - 887 views
- Kristel Moreno - 851 views
- Taiwan Entertainment online! - 834 views
- Vagina MONSTER - 825 views
- BoA – HURRICANE VENUS - 821 views


(average: 4.00)



